sa iniaatas n~g pusong iyan.
--?Nararapat nang mawakasan ang m~ga paghihirap kong ito!--ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang sarilingsarili n~g kanyang pagkamestisa.
At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, si Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang kabalisahang hindi mailin~gid.
* * * * *
Sa loob n~g bahay ay lumabas-masok siyang kung minsa'y sasayawsayaw at kung minsan nama'y huhunihuni n~g alinman sa m~ga kundimang kanyang nakakagiliwan. Mayamaya'y siyang lalapitan ang bukas na pianong parang nagyayaya, at sandaling titipa ang maliliksing daliring tila m~ga kandila, samantalang ang m~ga mata'y ipapakong walang kurap halos sa papel n~g tugtuging lahad ang m~ga dahon. Ang inaagpan~gan niya n~g gayong pagtugtog ay isang _fox trot_[A] na naglalarawan n~g sarili niyang haka.
Kung ang mga ibon at maging halaman ay nagkakalaya sa pagiibigan, ang isang mestisa'y dapat ding magnawnaw ng mga biyaya ng Katalagahan.
Ang mestisa'y may pagirog na kaparis ng balana, at anak din ni Bathalang tumanggap ng isang mana; mana'y dapat na gamitin ng ayon sa pinipita ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa.
Sa harap ng Batas ng Pagkakalikha. babae't lalaki ay pantaypantay nga; kung gayon, mestisa, di dapat lumuha sa piling ng ibang kapwa mo diwata.
Kapagkuwa'y siya namang haharapin ang malaki't malinaw na salamin, at dito'y waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pus��d, kung ilan pang daan n~g espongha ang marapat niyang gamitin upang mawalan n~g balantan ang pulbos n~g kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang baling-kinitang pan~gan~gatawan upang maging kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalin~gan n~g kanyang pagibig.
Nahagisan n~g tin~gin ni Elsa ang isang alilang babae na patagong sumisilip sa pinto n~g kusina na wari'y nan~gin~gimbulo sa kanyang pagbikas, at kanyang tinanong:
--?Maganda na ba ako?
--Wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid,--ang may lakip na n~giting itinugon n~g alila.
--?Kung ikaw ba'y lalaki ay mahahalina ka na sa akin?
--?Patay na lamang po ang hindi tablan n~g pagkahalina!
At ikinasiya n~g mestisa ang m~ga patunay na narinig sa alilang yaong babae ring paris niya.
Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.
--Kung dito po sa malapit sa ati'y walang mabibili niyan,--ipinasubaling tugon n~g m~ga inuutusan.
--Kahi't doon sa palengke'y sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'y makapaghihintay na ako.
At nawala noon din sa harap ni Elsa ang kanyang mababait na alagad.
Nang mapanaog ang m~ga alila ay wala na siyang sukat pan~gilagan sa loob n~g bahay.
Binuksan ni Elsa ang isang lagpas taong aparador na sikip na sikip sa kanyang mahahalagang kasuutan. Kumuha n~g isang sayang sutla; isinunod ang isang may burdang baro; saka ang panyong nauukol na pangalampay. Inilaglag sa sahig ang nasa katawan. At iyon ang inihalili. Lumakad. Lumin~gon sa likod. Lumin~gay. Kumendeng ... At nagparaandaan sa harap n~g isang malaking salamin, at binikasang maigi ang kanyang anyo. Bawa't lupi n~g panyo'y iniayos na mabuti; bawa't lukot n~g baro ay main~gat na pinantay: at ang mahabang buntot n~g saya ay boong husay na binitbit n~g kamay na kaliwa.
Datapwa't ... ?ayaw niya niyon! Hindi iyon ang dapat niyang ipasalubong kay Tirso. Kung kapagkaraka'y gayak na siya, mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis.
Naglabas na naman n~g iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang pangbahay ang napiling kunin. At gaya n~g una, ay isaisang inilaglag ang kasuutang nasa katawan. N~guni't hindi rin tumama sa kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya't di na naman ipinagpatuloy ang pagsusuot.
?Alin n~ga kaya ang kanyang marapat gam��tin?
Narinig niyang tinugtog n~g isang orasang nakasabit sa dingding ang ikapito n~g gabi; at napadun~gaw siyang saglit sa bintana, gawa n~g pagkainip, wari sa paghihintay sa kanyang tinipanang makata.
--Wala pa,--ang nasabi,--marahil ay mahahatinggabihan n~g dating ni Tirso, yamang ang m~ga tao'y nalalaang magpuyat n~gayon dahil sa pagsalubong sa bumubun~gad na Bagong Taon.
At pagalis sa durun~gawan ay napataas ang kanyang tin~gin sa mukha n~g salaming kaharap. At kanyang nakitang sa boong hugis n~g katawan niya ay walang nalalabing tagapagkubli n~g kahihiyaan liban sa isang manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na nakaluwa ay nagtatapos ang luwang sa may kalamnan n~g binting yari mandin sa lalikan. Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito:
Sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang.
Bulaan ang paroparong di maaakit sa bulaklak. pag ang ganda't kulay nito ay may tamis
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.