ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na maaari pang talimuwan~gin kung ibig: yao'y isa nang sumpang hindi mababawi, isang pagkakabuhol n~g palad na di na muling makakalag. ?Diyata't ang kapangyarihan n~g magulang ay makapanghihinaig pa't makawawalang halaga sa sinumpaan ni Teang na pakikiisang palad sa kanya?
Dito ay di na maitugon ni Tirso ang hindi ikapangyayari n~g ganyang hinuha. Nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan n~g isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha't kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. Isang kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing "sampu mang asawa ay makikita kung mawala, datapwa't hindi ang isang magulang." Nakilala ni Tirso si Teang na isang anak na may likas na pagkamagalan~gin sa kalooba't pasya n~g magulang saka nagtataglay pa n~g isang pananampalatayang di kuno'y nasusumang sa ganang kanya. ?Maliwanag pa kayang hinagapin, sa gayong paghihintay na walang napapala kundi pagkabigo, na ang pagkakaibang iyan n~g kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing sanhi n~g pagayaw n~g ina, ay siya rin namang maging dahil n~g di pagdating n~g sulat na pinakahihintay?
Singkad na isang linggo ang nagdaang kay Tirso ay walang iniiwan kundi ang m~ga bakas n~g kalumbayang halos ikasaid n~g kanyang paniniwala sa kabanalan n~g kaluluwa n~g babaeng pinaguukulan niya n~g boong pagirog.
Samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay Teang, saka ang hindi pagkaganap n~g pan~gako ni Tirsong paglalathala sa pahayagan n~g larawan n~g marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa timpalak ay hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi gayon din sa m~ga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa di iilang kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata.
Sa tanggapan n~g m~ga tagapan~gasiwa n~g karnabal sa Luneta ay nan~gahahanay na n~g boong ayos ang nagpapan~gagaw sa gandang m~ga larawan n~g m~ga kandidatang nan~gagsipagwagi sa timpalak n~g isa't isang pahayagan, bukod-tan~ging hindi mahan~gaan n~g balanang nagsasadya roon ang larawan n~ga ni Teang.
Nang araw na iyon, tanghali n~g ika 31 n~g Disyembre. huling araw n~g nanghihimakas na taong 1915, at samantalang si Tirso'y walang kibong nakapan~galumbaba sa isa sa m~ga bukas na durun~gawan n~g kanyang tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking malayolayo pa'y nagtaastaas na n~g kamay at humuhudyat sa kanya. At kanyang nakilala na ang m~ga dumarating ay ilang kaibigang kawal n~g panulat, ilang kasamahan sa laran~gan n~g Panitikang Tagalog.
--?Panhik kayo, m~ga kasama!--isinalubong ni Tirso sa nagsisirating.
--?May aginaldo bang nakahanda?--agad itinanong buhat sa lupa n~g isang singliit ni Paguia.
--Kahi't wala ay mayroon din ...--pan~giting naitugon n~g maybahay na makata.
--?Huwag kang magbiro't sadyang totohanan itong lakad namin!--anang isa namang singlaki ni Sochong.
At noon di'y sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. Matulin namang sinalubong ni Tirso.
At ... ?sabihin pa! Ang m~ga manunulat, na kung sabihin n~g iba'y m~ga hibang, ulol, sinun~galing, nguni't ang totoo'y "nakapagguguho n~g kahakaharian at nakapagbaban~gon n~g sangbasangbayanan", wika n~ga n~g isang guro, kung magkasamasama't magpalagayan ay talo pa iyang tunay na magkapatid na ipinan~ganak n~g iisang ina. Sa kanila, ay wala niyang pagtutumpik. Bawa't salitang gamiti'y kataga n~g katapatang loob, bigkas n~g kaisang damdamin, pahayag n~g panibulos na pagtitiwala. Kaya't sa paguusap nilang yaon ay pawang n~giti n~g saya at sigla n~g pagbibiro ang naghari sa lahat.
--Silveira,--ang pagkapanhik n~g lahat ay sinabi n~g nakasalaming kamukha ni Tirso,--Bagong Taon bukas, at sukat nang mahulaan mo ang bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. ?Ano ang aginaldo namin?
--?Bukas pa pala naman ang Bagong Taon, eh, n~gayon pa'y aginaldo na ang inyong itinatanong!--ipinakling natatawa n~g tinukoy.
--Higit sa panghihin~gi n~g aginaldo, ang ipinarito nami'y isang paninin~gil,--isinambot naman n~g isang singtaba ni Kando.
--?Magbayad ang may utang!--isinusog pa n~g malakas tatawang kaboses ni Sauro.
--?Sa ako'y walang utang na dapat pagbayaran!--ang tugon n~g makata.
--?Wala? ?Nasaan ang larawan n~g ating reyna Dorotea?--ang tanong pang tila nanunumbat n~g mataba.
--?Ah! ...--ang nasambit na lamang ni Tirso.
--?Eh! ...--ang tudyo n~g isa.
--?Ih! ...--ang katlo n~g isa pa.
--?Oh! ...-ang habol pa rin n~g isa.
--?Uh! ...--isinusog naman n~g iba.
At ang malakas na tawana'y nagsumikip sa loob n~g bahay.
--?Nahan ang pan~gako mong larawan?--ang halos panabay pang iniusisa n~g m~ga panauhin paghulaw n~g tawanan.
Biglang nagtago ang m~ga badha n~g n~giting nagsipanun~gaw sa m~ga labi n~g makata. At nakapagpanumbalik n~g lungkot sa diwa niya ang gayong binanggit at ipinagkatawanan pa n~g kanyang m~ga kaharap. ?Oh, kung natatalos lamang n~g langkay na yaon n~g m~ga palabiro ang bagay na nagpapaulap sa kanyang gunamgunam!
--M~ga kasama,--ang itinugon ni Tirsong walang kan~gitin~giti,--tila sa bagay na iya'y talagang masisira ako, n~guni't ... hindi ako ang maysala.
--?Magpapakasira, saka maghihinaw!...
--?Talagang sinun~galing na makata!
--?Saka maramot!
--?At manunuba pa!
--?Palibhasa'y hindi ninyo nalalaman ang nangyayari!--ang tan~ging naipakli ni Tirso.
--?At talaga bang may "nangyayari" na? ?Kaya pala!...
--?Ha-ha-ha-ha!
Wala; anhin mang timban~gin ni Tirso ay hindi makagigitaw at lulunurin lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya sa harap n~g kawang yaon n~g m~ga may kato sa katawan. Mahan~ga'y magsawalang kibo na lamang....
Nasa sandaling iyon n~g pagkatila hinahalong binusa ang m~ga panauhin n~g makata,--na, mayroong bumubuklat sa m~ga dahong sariwa n~g kanyang kalupi, kaluping kinatitipunan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.