Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit | Page 9

Samuel Auguste David Tissot
pagcain nang bun~ga
nang cahoy na hindi pa hinog na totoo.
9. Mayroong isa pa manding masama, na marahil canin nang tagarito sa
Filipinas, yaong bagang itinitinda, na ang pan~gala,i, suman, empanada,
oocan, calamay, madhoya, ó tinapay na hindi alza, na paraparang
nacasisira sa sicmura; at saca nanhihila nang lagnat, man~ga bicat, at
sarisaring sibol sa catauan nang tauo.

=CAPÍTULO 2.=
Ang man~ga dahilang iquinalalaqui nang man~ga saquit nang tauo.
10. Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong
iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang
maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom
doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay
nacauauala sa lahat na saquit. Datapoua,i, mayroong man~ga saquit, na

hindi bagay doon ang pauis, sapagca hinahacot nang pauis ang
pinacatubig na calahoc nang dugo, at caya ang dugo,i, lumalapot,
natutuyo,t, umiinit. Caya n~ga yata hindi bagay sa nalalagnat ang
triaca, ang alac, at ang lahat na nacacapagpapauis sa tauo.
11. Ang man~ga maysaquit tinatabin~gan, quinucumutan, linilibutan
nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,t, dun~gauan;
itong lahat na gauang ito,i, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa
caniya; na ang ualang saquit ma,i, hindi macacapagtiis noon. Caya
masamang gauin yaong man~ga gauang yaon, lalo na cun ang
idinaraying nang maysaquit ay ang init, at cun naquiquita namang tuyo
ang caniyang balat, ang man~ga labi, ang dila, at ang lalamuhan at saca
mapula ang ihi, at cun ang ibig niyang totoo ay ang man~ga bagay na
malamig.
12. Ang ipinacacain sa maysaquit, ay isa namang nacasasama sa caniya.
Ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi
pacanin nang man~ga bagay na magaling; caya binibigyan nang
masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang
masama sa maysaquit, at caya na-aalamang masama, ay cun minsa,i,
lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: ó siya,i, sungmusuca,
nag-iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang
pinaiinom mandin nang lason. Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa
sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at
nacasasama bagcus sa caniya. Cailan~gang linisin muna ang sicmura,
at painomin ang nalalagnat nang man~ga bagay na nacacatunao nang
man~ga malalagquit na dumi doon. Uala isamang nalalagnat na tauo
na namatay dahil sa gutom: at alin mang nalalagnat, di man pacanin
nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma-aano, houag lamang
maual-an siya nang tubig.
Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit
na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig;
ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hinin~ga, pati nang
ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan
nang _carne, sabao, itlog, triaca,_ at nang iba pang man~ga maiinit: at
hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura,

cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon. At
nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang
man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon.
13. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na
masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun
minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t,
nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang
masama. Ang purga nacacasama,t, nacacagulo sa lahat na bituca, na
yaon ang iquinamamatay nang tauo. At nang maalaman cun cailan
bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pan~galan
nang saquit dito sa libro sa caniyang capítulo at doon sasabihin ang
gagauin.
Nota. Dahil sa casam-an nang pag-gamot sa man~ga maysaquit dito sa
Filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa
canilang tiyan; at bagamán hindi nacacamatay yaong saquit na yao,i,
cun minsan nacagugulo sa man~ga catungculan nang sicmura,t, bituca.
Itong saquit na ito,i, maliuag gamutin; magaling doon ang suero
número 17, ang píldoras número 18, pati nang sa 57; maigui rin ang
man~ga gulay at ang man~ga saguing etc. na nacagagaling-galing cun
malaon.

=CAPÍTULO 3.=
_Ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya,i,
magcacasaquit na._
14. Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun
hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang
pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó
cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t,
hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti
ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan;
cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na
parati. Cun gayon ang man~ga nararamdam nang may catauan, malapit

na siyang magcasaquit.
15. Pagca ganoon ang damdam, ang gagauin niya,i, houag titiquim siya
nang carne, sabao, ó itlog; ó alac; houag siyang magsasaquit gumaua:
inomin niya ang bilin sa numero 1 ó 2, ga dalaua ó tatlong botella
carami maghapon: cun aayao siya doo,i, uminom nang tubig na
malacuco na huhulugan nang caunting suca. Cun ualang suca, ang
dalauang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 106
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.