Ang Katipunan

Gabriel Beato Francisco
A free download from www.dertz.in

The Project Gutenberg EBook of Ang Katipunan, by Gabriel Beato
Francisco
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Katipunan
Author: Gabriel Beato Francisco
Release Date: November 29, 2004 [EBook #14205]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
0. START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG
KATIPUNAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
ANG KATIPUNAN
ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI
TUGMA NA SINULAT NI

Gabriel Beato Francisco
Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896
ICATLONG CASULATAN
MAYNILA
Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.
1899.
=Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental=
Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay,
Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok.

Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang
ANG KAPATID
NANG BAYAN.
=UNANG BAHAGUI=
Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan
nang cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing
na cun tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay
aauitin ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_.

=Música.=
Ina naming Filipinas
sa sandaigdiga'y hayag,
ang cayaman at dilag

ualang sucat macatulad.
Iyo namang caanacan
lahing sadya cung sa tapang,
di natatacot
mamatay
at marunong magsangalang.
Caya cayo lilo't tacsil
na castilang sinuñgaling,
dapat bayaran sa
amin
inyong mga pag alipin.

Lalo ang mga sucaban
na fraileng tampalasan,
ñgayon ay
capanahunang
magbayad sa mga utang.
Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca
paguiguitna ang calahatan.
=Hablado.=
Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng
gulay, na umaauit hangang tumatacbo.
UNANG DIGMA
Sila rin
JOSEFO.--Hali ... mga ale!...
LUSINO.--Dalí ... mamang cuán!...
KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim
ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_)
--cami'y balitaan!... ¿mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay
caya ó caya'y nasundan?...
TOMASA.--Uala po!... (_gulat._)
JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_).
TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!...
JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong
naquiquita. (_hahakbang_ ...)
TOMASA.--Uala po!...
IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
JOSEFO.--!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!...

TOMASA.--Uala po!...
IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caiñgat yaong mga lilo, tacsil,
buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.
TOMASA.--¡Ina co!
JOSEFO.--Icao ay inanó at na paina!...
LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi aanhin
naming magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.
TOMASA.--Cun gayo'y salamat!...
IDENG.--Cami po'y paalam!...
LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan. (_Lalayo ng
caunti_)
JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humiñgi ng
canin at ulam.
LUSING.--Mga aling cuan!... mañgag hintay cayo!...
KALINT.--Duluguí....
LUSINO. (_lalapit_)--Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng
itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.
TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha
KALINT.--Iuan na ang lahat.
LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag
(_sa cay Tomasa_)

--Ito'y quilala co na maraming anac
(_sa cay Ideng_)
--Si comare
naman ay may amang bulag.

JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa
inyo!...
TOMASA.--Cami'y lalacad na.
KALINT.--Mañgag tuling cayo.
(_Muling lalacad ang mga manglalacó._)
ICALAUANG DIGMA
Josefo at Lusino.
JOSEFO.--Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang duk-hang
may laco sa ulo.
LUSINO--¡Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala
ualang maibili at
ualang masila
uala naman tayong sucat na magaua
sa mga
mayamang lubhang masagana.
Caya ang marapat ating pagtiimin
bagang at panigbi na nagcacadiin

ang gauang masama na masamang gauin
ay ipaquibilang sa gauang
magaling.
Yamang na rito na sa galás at gulod
na guinagalaan mailap na hayop

ang ating catauang sa palad ay capus
at hindi na mulat sa gubat at
bundoc.
At cun tayo naman ay magpapabaya
sa lagay na yari na caaba-aba

ating tatamuhin sa guinala-gala
lasapin ang dalo'y malamig na luha.
At sa abang anyo di co acalain
matuyo ang damó na lagui sa lilim

uala namang inot, usala namang cusim
at ualang masabing nag gauad
hilahil.
Liban sa nangyaring aco ay natacot
sa unós ng bagyong
nacaquiquilabot
caya sumaisip na bago macurot
pailanlang muna sa

patoc ng bundoc.
At cung naacalang tutubo sa cutad
ang binhi ni ama sa punlang
sincamas
daco aabutin ang pagcabagabag
at di sasapitin ang
ganitong hirap.
Ñgayon co dinamdam ang saquit ng bato
cun tumitimo na sa
talampacan co
ñgayon na danasan pagtulog sa cubo
at ñgayon
lumacás ang aquing pagtacbó.
JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit
dahil sa hicayat ng isang
caibig
ang mga tinuran ay napacatamis
at macahihibo sa pusong
tahimic.
Aco na ñga sana'y di maniniuala
sa mga tinuran at isinalita.
LUSINO.--¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng lanca?
JOSEFO.--Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa,
Na dili umano pilit
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.