nitong mahabang panahon ay nagcataong dumaan doon ang isang sasac-yang totong nalalapit sa canila, na nacaquita nang canilang pagpapausoc, at ibinunsod sa canila ang bangca, at sac-yan nila sa pagparoon sa daong. Si Pedro Serrano at ang caniyang casama na capoua nagsihabà na ang canilang man~ga balahibo at balbas, ay nang malapit na ang bangca, ay nang houag acalain nang man~ga marinero na sila,y, demonio, ay dinasal nila ang Sumasampalataya at sinambit nila nang malacas ang n~galan nang ating Mananacop; at dahil dito,y, hindi nan~gatacot ang man~ga marinero, cahit sila,y, ualang anyong tauo. Dinala na sila sa canilang sasac-yan, na di mamagcano ang pagtataca nang balang sa canila,y, macaquita at macarin~gig nang man~ga cahirapang canilang pinagdaanan.
Ang casama,y, namatay sa dagat nang papatun~go sa Espa?a. Si Pedro Serrano,y, dumating dito, at lumipat sa Alemania, na siyang quinalalag-yan nang Emperador sa panahong yaon: hindi inaahit ang caniyang balahibo, balbas at buhoc, at nang maguing tanda at catunayan nang caniyang pagcabagbag, at nang lahat nangyari sa caniya. Sa lahat nang bayang caniyang pinagdadaanan, cung ibig niyang paquita ay nagcacaroon siya nang maraming salapi. Ilang man~ga guinoo at man~ga caballero na nacaibig macaquita nang lagay niya, ay pinagcacalooban siya nang gugugulin sa caniyang paglacad; at ang Emperador sa pagcaquita sa caniya at pagcarin~gig ay pinagcalooban siya nang apat na libong piso, na bouis sa taon taon. Nang cucunin niya, ay namatay siya sa Panamá, na hindi niya nacamtan.?
?Ang lahat nang salitang ito, para nang nabanguit na, ay sinasalita nang isang Caballero na ang n~gala,y, si Garci-Sánchez de Figueroa, na sa caniya co napaquingan, at nacaquilala cay Pedro Serrano; pinatotoohanan niya na sa caniyang bibig napaquingan, at nang matapus na siya,y, maquita nang Emperador ay binauasan nang cauntì ang caniyang buhoc at balbas nang houag dumating hangan sa bayauang; at cung siya,y, natutulog sa bagi ay pinupusód niya, at cung hindi gayon, ay sungmasabog sa hihigan na nacalilingatong sa caniyang pagtulog.?
=ANG BAGONG ROBINSON.=
* * * * *
HISTORIA MORAL
* * * * *
PASIMULA
Sa isang bahay sa parang na di nalalayóng lubha sa Hamburgo, mariquit na ciudad nang Alemania, na nalalagay sa dalampasigan nang mayamang ilog na Albis, ay tungmatahan ang isang malaquing ancan nang man~ga tauong magcacamaganac at magcacaibigan. Mahirap matalastas cung alin ang lalong minamahal nang ama at ina, na pinacaulo nang ancang yaon ó familia; cung ang caniyang man~ga anac na lalaqui na si Nicolás at si Juan, ó ang man~ga anac na babayi na si Teodora at si Luisa; ó ang caniyang man~ga pamangquin na si Enrique at si Cárlos, ó si Ramon at si Basilio, man~ga anac nang dalaua nilang caibigan. Ang dalauang ito,y, man~ga binatà na, at ang iba,y, man~ga batà na di parapara ang canilang edad. Ang lahat ay nacacaisaisang loob na parang magcacapatid; at ang lahat ay paraparang nagsisisunod nang maligaya sa ama at sa ina, at nagsusumicap nang pagaaral at nang pagpapacabuti nang asal, sa pamamaguitan nang ayos na turò, na sa pagpapaliuanag sa canilang pagiisip ay nalilimbag naman ang magandang ugali sa canilang man~ga pusò. May oras silang iguinagaua, at may oras na ipinaglilibang; datapoua,t, ang caraniua,y, sila,y, nagsasamasama, at habang gungmagaua sila nang anoman, ay pinagsasalitaan sila nang canilang ama nang sarisaring Historia at man~ga salita, na bucod sa nagbibigay caliban~gan sa canila, ay nacacaroon sila nang mabuting halimbaua nang cabanalan, nang puri at uastong caugalian.
Ang susunod na Historia Moral ni Robinson ay siyang nagamit nilang salitaan sa maraming hapon; at nang maunauà nang ama na totoong isinasaloob at iquinaliligaya nang man~ga batà ang man~ga di caraniuang bagay na nangyari doon sa sauing palad na binatà, at ang paquinabang sa salitang ito, ay minatapat na isulat at icalat, nang maguing liban~gan nang ibang man~ga bata na macababasa ó macaririn~gig nang gayon ding caligayahan, at cung magcaminsa,y, gayon ding capaquinaban~gan.
--Ama co, ang uica ni Teodora nang isang hapong masayá nang tagarao. ?Pagsasalitaan caya ninyo cami n~gayon, para nang dati, nang anomang Historia?
--Oo, anac co, ang sagot nang ama, datapoua,t, sayang na di natin macamtan ang caligayahan nitong matahimic na hapon. Tayo,y, pasa parang, na doo,y, ang pananariuà nang man~ga halaman ay nagaanyaya sa atin.
--?Oh, totoong mabuting bagay ang inyong naisipan! ang sigao nang lahat; ?doo,y, paano caya ang ating caliban~gan!--At naglulucsuhan sa toua ay nanaog nang bahay, at capagdating sa masayang parang ay pinasimulan ang ganitong salitaan.
=UNANG HAPON.=
Si Teodora. ?Dito baga tayo, ama?
Ang Ama. Oo, dito sa ilalim nang punò nang manzano.
Si Nicolás. Ito,y, isang lugar na totoong cauiliuili.
Ang Lahat (nan~gaglucsuhan sa malaquing toua at ang uica nila,y,). Cauiliuiling totoo dito.
Ang Ama. Datapoua,t, ?anong iniisip ninyong gauin habang sinasalita co sa inyo ang Historiang ito? Caraniua,y, ayao cayong magtun~gan~ga lamang: ang ualang guinagaua cailan man ay di mabuti.
Si Juan. Nararapat na tayo,y, magcaroon nang anomang pagliliban~gan dito.
Ang ina. Aco,y, may dala náng gulay na hihimayin. ?Sinong ibig tumulong sa aquin?
Ang Lahat. Aco, aco, aco.
Si Teodora. Caming dalaua
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.