Ang Bagong Robinson | Page 3

Joachim Heinrich Campe
ating matiis, at tangapin nating malumanay sa loob at pasalamatan, maguing caguinhauahan at maguing cahirapan man, ang minamarapat niyang ipagcaloob sa atin.
Sucat hangan dito, bumabasang irog, at pagcaliban~gan mo naua,t, paquinaban~gan itong catouatouang buhay ni Robinson, na caya co tinagalog ay iniutos sa aquin nang man~ga Pareng Dominico, at nang cunang uliràn naman nang sinomang babasa.

=SINALIN SA TESTO=
Nang
=INCA GARCILASO DE LA VEGA.=
* * * * *
Sa unang bahagui nang man~ga Comentarios reales ay nababasa sa capitulo VII. itong susunod:
?Ang islang (capuloan baga sa tagalog) tinatauag na Serrana, na na sa pag-itan nang Cartegena at Habana, ay tinauag nang gayon, dahil sa isang castilang ang pan~galan ay Pedro Serrano, na ang caniyang daong ay napahamac na nabagbag sa malapit sa pulóng ito, at siya lamang ang nacaligtas, sa pagca,t, totoong mabuting luman~goy, at nacarating sa naturang pul? na uala isa mang bahay; di sucat matirahan nang tauo, ualang tubig at cahoy, doon siya tumahang may pitong taon, at sa caniyang casicapan ay nagcaroon siya nang cahoy at tubig, at nacacuha nang apuy, (ang nangyaring ito,y, isang bagay na catacataca, na marahil ay sasabihin natin sa ibang lugar.) Sa apellídong Serrano ay tinauag ang pulóng yaong Serrana, at Serranilla ang isang pul? namang calapit niyaon; at nang houag pagcamal-an ang baua,t, isa.?
Saca sinasabi sa capitulo VIII.
?Nararapat munang bago natin ipatuloy, ay sabihin nating ang nangyari cay Pedro Serrano. Si Pedro Serrano ay luman~goy sa pulóng yaon na dati,y, ualang n~galan, na ang pagcasabi, ay may dalauang leguas sa binilogbilog. Gayon din halos ang sinasabi sa sulat nang paglalayag na ipinaquiquilala na may tatlong pul?ng totoong maliliit, na may maraming cababauan ó pungtod............................. at sinasabing gayon din ang pagcalagay niong tinatauag na Seranilla, na yao,y, limang maliliit na pul? na may lalong maraming pungtod mahiguit sa Serrana; at caya n~ga lumalayò doon ang man~ga sasac-yan dahil sa capan~ganibang ito ...?
?Si Pedro Serrano ay napahamac sa paglalayag dito, at nacarating nang lan~goy hangang sa naturang pul?, sabihin ang lumbay nang siya,y, naroroon na, sa pagca,t, ualang maquitang tubig, cahoy at halaman man na ipagpatid uhao, ó anomang bagay na sucat niyang pagcaliban~gan, at ninanasang magdaan ang alin mang sasac-yan, nang siya,y, macaalis doon, at nang houag siyang mamatay sa gutom at uhao, na inaari niyang lalò pang maban~gis sa cung siya,y, nalunod doon, sa pagca,t, lalong madal? ang hirap. Caya sa unang gabi ay uala siyang guinaua cundi tan~gisan ang sau? niyang capalaran, at di mamagcano ang lumbay dahil sa gayong capiitan na sucat icapighat? nang sinoman. Nang maguumaga na,y, muling linibot ang pul?, at naquita niya,y, maraming man~ga aliman~go, hipon at iba pang ganganito na nangagaling sa dagat, humuli siya nang ilan at caniyang quinain nang hilao, sa pagca,t, uala siyang apuy na paglutoan.
Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong niya ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba na caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang pagóng, at ininom niya ang dug?. sa pagca,t, ualang totoong maquitang tubig: ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang lamán ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang sahuran nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán. Sa paraang ito,y, siya,y nabuhay, at nacacain sa man~ga unang arao na pagcatirá niya doon; pinapatay niya ang lahat nang man~ga pagóng na caniyang mahuli; at mayroong totoong malalaqui na hindi niya ma ibaligtad, at natatalo siya sa lacas; at cahit quinucubabauan niya at sinsac-yan ay hindi niya matalo, at itinatacbo siya sa dagat; caya natalastas niya cung alin ang man~ga pagóng na caniyang nahuli at cung alin ang hindi. Sa canilang talucap ay maraming nasahod na tubig si Serrano, sa pagca,t, mayroong totoong malalaqui na naglalaman nang dalauang arrobang tubig at mayroon namang mumunti na cacaunting tubig ang nasisilid.
Nang maquita ni Pedro Serrano na marami siyang baon na cacanin at iinumin, ay inacalà niya na cung siya,y, macaquita nang apuy, nang mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa pagca,t, ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin mang cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya nang bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay gagauin niyang binalol ó pamingqu?; at sa pagca,t, ualang maquitang bató sa pul?, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató; at sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili niya ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 62
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.