ni Luisa, at icao, C��rlos, ?maghihimay baga tayo nang gulay?
Si Luisa. Aco,y, hindi, sa pagca,t, gagauin co ang tanicalang itinuturo sa aquin nang ating ina.
Si Teodora. Cung gayo,y, tayo,y, maghimayhimay na dalaua lamang. Halica, C��rlos, umupo ca.
Si Basilio (naquiupo naman, at naguica:) Ibig co namang gumaua na para ninyo.
Si Ramon. At aco naman.
Si Enrique. Dito,y, maluag. Tingnan natin cung sino pa ang maghihimay.
Ang Ama. Lumagay cayo na mangyaring maquita ninyo ang paglubog nang arao, sa pagca,t, n~gayon ay totoong mariquit ang lagay nang lan~git.
(Nagsiupong lahat, at pinasimulan ang paggaua nila.)
Ang Ama. N~gayon, man~ga anac co, sasalitin co sa inyo ang isang Historia, �� isang nangyaring totoong cacaiba, na sa pasimula,y, maninindig ang inyong man~ga buhoc, at pagcatapus ay ilulucso ninyo sa tou��.
Si Tedodora. Oh! houag sanang totoong malungcot.
Si Luisa. Cung totoong malungcot, ay houag; sa pagca,t, iiyac caming ualang pagsala.
Si Juan. Pabayaan natin, at naaalaman nang ating ama ang caniyang guinagaua.
Ang Ama. Houag cayong matacot, man~ga anac co, at sasalitin co sa inyo nang boong pagiin~gat, nang houag magcaroon nang anomang bagay na totoong malungcot.
Sa ciudad nang Hamburgo ay may isang tauong ang apellido,y, Robinson, na may tatlong anac. Ang pan~ganay ay nacaibig na magsundalo; nagsundalo na n~ga, at namatay sa isang digm�� laban sa man~ga franc��s. Ang icalaua,y, nahilig sa pagaaral, at isang arao sa paginom nang tubig na malamig sa oras na totoong naiinitan, ay nagcasaquit nang dibdib at namatay.
Si Luisa. Caya n~ga ang uic�� nang ating ama, ay capagca tayo,y, totoong naiinitan, ay di dapat uminom.
Ang Ama. Ualang natitir�� cundi ang anac na buns��, na ang n~gala,y, si Conrado; at caya n~ga ang ama at ina magmul�� niyon ay ang boong pagasa,y, inilagay sa nacaisaisang anac, na iniibig na parang balintatao nang man~ga mata; datapoua,t, ang canilang pagmamahal ay hindi mabuti.
Si Teodora. ?At anong ibig ninyong sabihin, ama co, dito sa hindi mabuting pagmamahal?
Ang Ama. N~gayo,y, ipahahayag co sa iyo.--Cayo,y, iniibig naman namin, para nang natatalastas na ninyo: datapoua,t, gayon man ay pinagpipilitan namin na cayo,y, matutong gumaua, tinuturuan namin cayo nang maraming bagay na nacauiuili at paquiquinaban~gan, sa pagca,t, natatalastas namin na sa paraang ito ay cayo,y, babait, at cung gayo,y, ualang pagsalang cayo,y, magcacapalad. Datapoua,t, ang man~ga magulang ni Conrado ay iba ang pagpapalagay, sa pagca,t, pinababayaang gauin ang balang maibigan nang minamahal nilang anac; at pagca,t, ang munting caballero,y, ualang iniibig cundi ang maglaro, at ayao magsipag at magaral nang anomang bagay, pinababayaang ualang guinagaua at maglicot sa boong maghapon; na sa macatouid, ay sa pagaaral at sa mabuting tur�� nang magulang ay ualang pinapaquinabang. Ito n~ga, anac co, ang tinatauag na pagmamahal na hindi mabuti.
Si Teodora. N~gayon co natalastas.
Ang Ama. Lungmalaqui ang batang si Robinson na ualang matutuhang paglag-yan sa caniya. Ninanas�� nang ama na magaral nang pan~gan~galacal; datapoua,t, hindi ibig nang anac, sa pagca,t, ayon sa caniyang uic��, ang lalong ibig niya,y, macaquita nang mundo at magpagalagala: sa catagang uica,y, ualang iniibig cundi ang siya,y, mabuhay na pagayon lamang, ualang gau�� at ualang quinapapacanan, na parang hindi tayo itinalaga sa alin mang calagayan na sucat paquinaban~gan. Sa catunaya,y, ang batang ito,y, ualang munting pagiisip nang pagsasalit��. Cung siya,y, nagaral nang man~ga bagay na sucat paquinaban~gan at quinacailan~gan, ay ibang iba sana ang caniyang pananalit��; datapoua,t, ?anong mahihit�� sa paggal�� sa mundo nang isang binatang ualang munting pinagaralan na para ni Conrado? Capag nagnanasang maghanap buhay sa alin mang bayan ay quinacailan~gan ang pagcatalastas at catalasan; at ang ating Robinson ay hindi nag-iisip nang ganitong bagay.
Tumuntong na siya sa labing pitong taon, at hangan nion ay ualang guinagaua cundi ang acsayahin ang panahon sa pagpapalibotlibot sa lahat nang oras. Ualang arao na di inuun~gutan ang caniyang ama na siya,y, big-yang pahintulot na maglayag; datapaoua,t, ang sagot nang ama, ay ang caniyang ninanas�� ay isang malaquing caululan, cailan man ay ayao na maririn~gig ang bagay sa paglayag. Isang arao ...
Si Luisa. N~gayon, pasisimulan ang salita.
Si Nicol��s. Houag cang magiin~gay.
Ang Ama. Isang arao, na ayon sa caniyang caugalian, ay naglilibot sa tabi nang dagat, ay nasumpun~gan ang isa niyang caibigan. Ito,y, anac nang isang Capitan sa isang sasac-yan, at nahahandang paroon sa L��ndres na casama nang caniyang ama.
Si C��rlos. ?Saan sila sasacay, sa carruaje baga?
Si Enrique. Hindi, C��rlos; nang mangyaring macarating sa L��ndres ay quinacailan~gan ang lumayag, at daanan ang malaquing bahagui nang tubig, na tinatauag na dagat sa Hilagaan.
Ang Ama. Itinanong nang caniyang casama ibig niyang sumama sa paglalayag. Totoong ibig co, ang sagot ni Conrado Robinson; datapoua,t, hindi magsisipayag ang aquing man~ga magulang.--Hayo, ang sagot nang isa; sumama ca sa aquin: sa loob nang tatlong lingo ay magbabalic na tayo; at cung ayao cang pumayag dahil sa iyong ama at iyong ina, ?mayroon pa cayang dapat gauin, cundi ang sabihin ang quinalalag-yan mo?--Datapoua,t, uala acong salap? sa supot, ang uic�� ni Conrado Robinson.--?Anong cailan~gan? ang sagot nang isa: ipinagbabayad quita sa paglayag.--Napahintong sandal?
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.