lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang dalauang bat�� nang magcaroon nang tal��m na pagpipingquian, tinicman niya na piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan nang apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang bar��, at pinagligasligas niyang maliliit, na siya niyang guinauang lulog, at sa caniyang catiyagaan at cauulit nang pagpingqu? ay nacucuha siya nang apuy.
Nang mangyaring houag mamatay at houag mapugnao ang caniyang apuy ay cumuha siya nang maraming yaguit na ipinapadpad sa tabi nang man~ga alon sa dagat, at pinamumulot niya ang man~ga capicapisang na cahoy, na tinatauag sa castila na ovas marinas, at man~ga tabla nang man~ga sasacyang nadudurog sa dagat, at man~ga talaba at man~ga but�� nang isd��, at iba pang man~ga bagay na magdidiquit sa apuy. At nang houag mamatay sa ul��n, ay gumaua nang isang cubocubohan na pinagugnay-ugnay ang man~ga talucab nang man~ga pag��ng na pinatay niya, at totoong pinacain~gatan na houag mamatay.
Sa loob nang dalauang bouan, at marahil ay culang culang pa, sa cauul��n, sa arao at sa calamigan nang lugar na yaon ay siya,y, naguing hubo,t, hubad, dahil na nabuloc ang caniyang damit na bahagui�� na lamang nacatatataquip sa caniya. Dahil sa totoong cainitan nang arao ay nahahap�� siyang masaquit, sa pagca,t, damit man ay uala siya, lilim man ay uala siyang masilun~gan. Capag siya,y, totoong nahihirapan nang init, ay lungmulubog siya sa tubig. Nabuhay siya nang tatlong taon sa ganitong cahirapan, at sa panahong ito ay nacaquiquita siya nang man~ga ilang sasac-yan na nagdaraan doon; datapoua,t, cahit siya,y, nagpapausoc, na siyang tand�� sa dagat nang tauong nasisinsay at napapahamac, ay hindi napupun�� nang man~ga sasac-yan, �� dahil caya sa catacutan sa man~ga pungtod ay hindi macapan~gahas lumapit sa caniyang quinalalag-yan at nagpapatuloy nang paglayag. Ang bagay na ito,y, totoong ipinagpipighati ni Pedro Serrano, na pipiliin ang camatayan, houag lamang magtiis nang ganoong cahirapan. Sa sin~gao nang lugar na yaon ay totoong humahab�� ang balahibo nang boong catauan, na anaqui balat nang hayop, na tila sa baboy damo; ang buhoc at ang balbas ay dungmarating hangang sa bayauang.?
?Nang macaraan ang tatlong taon, isang hapo,y, malay�� sa gunit�� ni Pedro Serrano ay nacaquita nang isang tauo sa pul��ng yaon, na sa gabing nacaraan ay napahamac siya sa man~ga pungtod �� cababauan doon, at ang caniya lamang natimbulan ay capisang na tabla nang sasac-yan, caya siya nacarating doon; at sa pagca,t nang magliuanag ay naquita niya ang usoc nang apuy ni Pedro, sinapantaha niyang may tauo roon, linapitan niya sa lan~goy, na ang caniyang quinacapitan ay ang naturang tabla. Nang magcalapit na ang dalaua, ay di sucat matalastas cung sino ang lalong napapaman~ga sa dalaua. Inisip ni Serrano na ang caniyang naquiquita ay ang demonio na naganyong tauo na tutucso sa caniya, nang siya,y, magpatiuacal. Ang isip naman nang bagong dating ay si Serrano ay ang tunay na demonio, sa pagca,t, totoong hab�� nang man~ga balahibo, balbas at man~ga buhoc. Capoua nagsitacbo, at si Pedro Serrano ay naguic�� nang ganito: ?Jesus, Jesus, iligtas mo aco, Pan~ginoon co, sa demonio.? Capagcarin~gig nito ay naalis ang tacot nang isa at inacal�� na si Pedro Serrano ay tauo ring capoua niya, caya pinagbalican at pinagsabihan nang ganito: ?houag cang lumay�� sa aquin, capatid co, sa pagca,t, aco,y, cristiano ring para mo? at nang siya,y maniual�� ay dinasal niya nang malacas ang Sumasampalataya, at nang marin~gig ni Pedro ay pinagbalican niya, at ang dalaua,y, nagyacap nang daquilang pagibig, at dinaluyan ang canilang man~ga mata nang maraming luh��, yayamang sila,y, pinagsing isang palad sa il��ng na yaon, na uala nang pagasang macaalis pa. Halihaling sinasalita ang pinagdaanan nilang buhay. Inacal�� ni Pedro na ang caniyang casama,y, nagugutom, ay binigyan niya nang pagcain at pag��nom; dahil dito,y, naauasuasan ang caniyang paghihinagpis, at pagcatapus ay pinagusapang mul? ang canilang pamumuhay sa macacayanan, na pinagbahabahagui ang man~ga oras nang arao at gabi sa paghanap nang canilang icabubuhay sa dagat, at ang man~ga cahoy at man~ga buto nang isda, at iba pang man~ga bagay na icapagdidiquit nang apuy; at lalong lal�� na ang laguing paglalamay, na sila,y, naghahalihalili, nang houag mamatay ang apuy. Ganito ang canilang pamumuhay nang man~ga ilang arao; datapoua,t, hindi naglaon at sila,y, nagcaalit, at dahil dito,y, sila,y, nagbucod nang pagcain, na ang culang na lamang ay magbabag: nang dito,y, mapagquiquilala ang casam-an nang ating man~ga caugalian. Ang dahil nang canilang pinag-aauayan ay ang pagsasabi nang isa sa isa, na hindi quinacalin~ga ang dapat gauin; at ang cagalitang ito,t, man~ga pan~gun~gusap ay siyang ipinagcaalit nila at ipinagcahiualay. Datapoua,t, sila rin, nang macapagmunimuni na, ay naghin~gian nang tauad, at nagcaibigang mul?, at macasamang nabuhay na may apat na taon. Sa panahong ito,y, naquita nilang dungmaan ang ilang sasac-yan, at sila,y, nagpausoc; datapoua,t, hindi nila pinaquinaban~gan, at hindi sila napansin nang man~ga sasac-yan; caya n~ga di mamagcano ang canilang capighatian, na culang na lamang ay malagot ang canilang hinin~ga.?
?Sa catapusan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.