caya n~ga inisip niyang siya,y, magsalità sa
Capitan, at ipagmacaauà niyang siya,y, ipagsalo. Tinangap siya nang
Capitan nang magandang loob, at quinasalo sa pagcain, at habang sila,y,
cungmacain ay itinanong cay Robinson cung ano ang dahilang
iquinaparoon niya sa Lóndres, at cung ano ang ninanasa niyang gau-in
doon. Sinalitâ sa caniya ni Robinson nang maliuanag, na caya siya
naglayag ay sa pagaalio lamang, at idinugtong pang nan~gahas siya
nang ualang pahintulot ang caniyang man~ga magulang, at n~gayo,y,
ualâ náng matutuhang gau-in.
«Hindi pala naaalaman nang iyong man~ga magulang.» ang uicà nang
nagugulumihanang Capitan; at nahulog sa camay ang cuchillong
guinagamit niya sa pagcain. «¡Dios co! maanong naalaman co muna
ang bagay na ito. Paniualaan mo aco, pan~gahas na binatà; na cung
napagalaman co ito sa Hamburgo, disin ay di quita tinangap sa aquing
sasac-yan, cahit aco,y, hinandogan mo nang isang millon.» Ibinabâ ni
Robinson ang man~ga matá; ang cahihiyan ay napagquilala sa caniyang
muc-hà, at hindi macaimic.
Ang may puring Capitan nang sasac-yan, ay ipinatuloy ang
pagpapahayag sa caniya nang lahat niyang camalian. Sinabi sa caniya,
na cailan ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung
baguhin niya ang caniyang loob, at humin~ging tauad sa caniyang
man~ga magulang. Si Robinson nama,y, umiiyac.
«Datapoua,t, ¿anong dapat cong gau-in?» ang tanong ni
Robinson.--«¿Anong dapat mong gau-in?» ang sagot nang Capitan:
«magsauli ca sa bahay nang iyong man~ga magulang, humalic ca sa
canilang man~ga paa, at humin~gi cang tauad dahil sa iyong man~ga
camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.»
Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ¡Totoong mabuting
tauo siya!
Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag
naquiquita natin na ang ating capouâ tauo ay nagcacamit nang anomang
camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang
catungculan.
«¿Ibig ninyong aco,y, ihatid na mulî sa Hamburgo?» ang tanong ni
Robinson sa Capitan.--«¿Paanong paghahatid co sa iyo? ¿Nalimutan
mo na baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco
macabili nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong
magtatagal ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na
lumulan sa unang sasac-yan na patutun~go sa Hamburgo, at houag
mong palibanin n~gayon ó bucas.»--«N~guni,t, ualà acong salapi,» ang
uica ni Robison.--«Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong man~ga
guinea.»
Si Teodora. ¿Ano ang ma~nga guinea?
Ang ama. Ang guinea ay salaping guintô na guinagamit sa Inglaterra,
at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.
Si Juan. Ating ipatuloy.
Ang ama. «Narito n~ga, ang uicà nang Capitan, itong man~ga guinea
na ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailan~gan nang
caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong mo
cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang
pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagouî,
na di para nang pagparito mo.»--Pagcatapus ay quinamayan na siya,y,
magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...
Si Nicolás. ¿Cung sa bagay ay oouî na sa caniyang bahay? Á Dios;
cung gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, n~gayon lamang
pinasisimulan.
Ang ina. ¿At di mo iquinatotouâ, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay
nang caniyang man~ga magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot
na pagcalingatong at pagcasindac nila?
Si Ramon. ¿At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang
caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?
Si Nicolás. Oo n~ga, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may
mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.
Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin
ang man~ga nangyari sa caniya.
Habang siya,y, lumalacad na patun~go sa lalauigan, ay sarisaring bagay
ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. «¿Anong sasabihin caya nang
aquing man~ga magulang,» ang uicà niya sa sarili, «cung aco,y,
magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà co.
At pagtatauanan nang aquing man~ga caquilala at iba pang man~ga
tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita
cundi dalaua ó tatlong lansan~gan sa Lóndres.» Ito at man~ga
ganganitong man~ga bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.
Cung minsa,y, hungmihintô, at parang nagmumulimuli, at hìndì
mapasiya ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili
ang sinabi sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya
maguiguing mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang
caniyang man~ga magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang
panahon, na di maalaman cung ano ang gagauin, at gayon ma,y,
nagpatuloy siya nang paglacad sa lalauigan ó hinihimpilan nang
man~ga sasac-yan. Datapoua,t, malaqui ang caniyang touà, nang
matalastas na ualà pang sasac-yang patun~go sa Hamburgo, na
ibinabalità sa caniya nang isa sa man~ga Capitan na palaguing
lungmalayag sa Guinea.
Si Cárlos. ¿At ano ang paglalayag sa Guinea?
Ang Ama. Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.
Si Enrique. ¿Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na
tinatauag na África? at ang Guinea
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.