Masakím | Page 2

Andrés Pacual
ang
ilang mga binata ika-tatlo pa lamang ng hapon, at palibhasay wala pa
sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang
bilang ng m~ga kasapi upang ipagsimula ng isang pulong kalahatang
idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo,
salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't
sa lahat ng mga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan ng
dalawa na nasa gawing dungawang tabing daan, kayat ang ilan sa mga
nan~gagsisipaglakad ay nangapapatigil lalo na't kung mapalakas ang
pangangatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon
ng Dios. Lahat n~g m~ga salitaan ay nangapatigil, lahat ay di umimik,
liban sa isang nagsasalaysay ng kaniyang mga paniniwala.
--Walang Dios--ang ulit nito--sapagkat kung mayroong Dios ay saan
naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat n~g
tao'y papagpantay pantayin sa ibabaw n~g lupa? Saan naroon iyang
Dios at natitiis ang pagkakaroon ng mga may mababa at matataas na urí
at kalagayan ng taó? Iyang m~ga bagay bagay sa ibabaw ng lupa na
ating nakikita ay tinututulan kong di gawa n~g iisang Dios, sapagkat
maraming m~ga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay
wala noong mga halaman samakatwid ay di dahil sa likha ng Dios,
kundi dahil sa mayroong lupá.
Alingaw-n~gawan ang nadinig pagkatapos n~g gayong
pan~gangatuiran at mga nan~gananaig na tinig ang nan~gariringan
ng ganitong salita:
--Walang Dios?.... ¡Nakapangingilabot!
--Dahan dahan ka po ginoong Kalihim--ang sagot naman n~g
Pangalawang-Pan~gulo ng Samahan--at ipagpatawad po ninyong

sabihin ko na kayo'y nabibigla lamang ng m~ga pan~gangatwiran,
sapagka't ang Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon
isa na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios. Maraming m~ga
halaman nga ang tumutubo sa lupa ngunit di dahil sa lupa lamang kung
kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at
tubig ay di rin sila mangabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat ng
itó, gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios
at kung wala nito ay walang anoman, sapagkat siya ang lumik-ha n~g
lahat ng bagay. Ito'y di pan~garap lamang n~g mga na nanambahan sa
katotohanan kungdi siyang katunayan n~ga. At kung walang Dios na
kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang m~ga katampalasanan, di
mananatile ang katahimikan, palibhasa'y walang kinatatakutang
magpaparusa sa panahong darating. Ang mga magnanakaw ay di
kukuha ng ano mang di kanila kailan ma't may m~ga tawo na sa
kanila'y nagmamasid, ganiyan ang mga tawo sa ibabaw ng lupa na
kailan ma't, walang kinikilalang Dios ay patuloy ng patuloy ang
kanilang mga masasamang gawa.
--Mag-iikalima na ng hapon--ang nakaputol na salíta n~g Pangulo sa
kanilang m~ga pag-usap.
--Datapuat wala pa sa takdang bilang ng mga dapat magsidalo--ang
sagot naman ng isang kasanguni--lagpas na nga sa tadhanang oras
ngunit kaypalay wala ng darating--ang ulit pa--iyan ang masamang
hilig ng ating m~ga binata ngayon, isang sakit na kung di malulunasay,
pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating lahi.
--Ang mabuti'y magkaroon ng kadalaan ang ating mga kasapi. Tayo
na.
--Tayo na--ang panabayan naman ng lahat at nangag-alisan.

=III.
¡PANGAHAS!=
Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan ng kinatatayuan ng

Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang
madidinig kundi ang mga tawanan at mga paputol putol na salitaan,
lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa
kalupaan palibhasay ang mga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan
n~g mga tuksuhan at biruan ng mga magkakasama.
--Ang akala ko po'y may pulong kayo, natapos na pu ba?--ang isang
tingig binibining nakapagpahinto sa kanilang mga pagkakatua.
--Hindi po natuloy ah.....sapagkat tan~gi sa lumagpas na sa tadhanang
oras ay wala pa rin sa takdang bilang ng mga kasaping dapat
magsidalo--ang sagot naman n~g ating kalihim.
Kindatan, kalabitan at n~gitian na naman sa kabilang panig.
--Sumagot na ang ating candidato--ang pasalising naibulong nitong isa
sa kaniyang katabi.
At pagkaraan ng mga ilan pang sandaling pag-uusap ay
nangagpaalaman na ang lahat, tangi ang ating binatang di man lamang
natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na
kayo."
Nangag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan ng
kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man
dahil sa kaniyang mga pahiyas ay sapat n~g makatunaw ng isang
pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning
idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, ngunit pinakapilit ding paglabanan
ang lahat ng ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita:
--Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata ng mga
ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang
naipamalas ko na?--tuloy dinampot ang kamay ng kaniyang sinusuyo't
ginawaran ng isang piping bulong; ipinitlag ng binibini ang kaniyang
kamay ngunit na huli sa panahon.
--¡Pangahas!...¿Bakit ka malikot?--ang pabiglang nasabi ng binibini na
salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman ng mga matatandang

nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.