Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal | Page 2

Pascual H. Poblete
na'y tila
mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at
cabaitang puspós ng ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang mga
jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.
Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng
pag-amis sa catwiran ng canyang m~ga caláhì ay lalo ng dinaramdam
niyá, ang mga sabihanan n~g mga fraileng madalás niyang marinig sa
Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay
maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím,
bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ,
sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy.
Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal,
dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand
Blumentritt sa icasampung tomo ng Internationales Archiv fiur
Ethnographie, ng 1897, na ganitó ang saysay:
"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang
pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang
halagá ng m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y indio_[2] Magbuhat
niyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó

cadahilanang pinagsasandigan ng m~ga castila at n~g lahat n~g mga
táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang
ísip cay sa mga táong cawangis din nila ang anyô, at taglay ang cáya
upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá.
"Ipinalálagay ng m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon ng bóong
daigdig: sa acalà nila'y silá ang tanging nagtâtaglay ng pagsúlong sa
dúnong at sa mga magagandang caugalian, at silá lamang ang tángì at
dalisay na liping homo sapiens,[3] samantalang ipinalálagay nilang ang
m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na wica'y
dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong ng mga taga Europa,
ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó abo-abó
ay isá sa pascacaiba't ibang anyô ng homo brutus._[4]
"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo n~ga cayâ ang
m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing
sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa
canya cung di naman sa mga cápowà niyáng nag-aaral na mga taga
Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang
pinagcacaibhan ng pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y ng
pag-iisip ng táong maputi ang balát at ng táong caymangui.]
Caraniwang lubha ang pagcacápantay ng m~ga puti at n~g m~ga
indio:_ sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag,
mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang
pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang
nakikitang ikinahíhiguit ng mga mapuputíng nag-aaral at gayon din ng
m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang mga dunong na
nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang
paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hindî
mátuclasang gawín ng canyang mga casamahang mapuputî, at sila'y
nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano.
Canyang pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa
isáng pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng
pagtatagumpay n~g canyáng mga cababayan. Dahil dito'y sa colegio
nga nagpasimulâ ang canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at
cáya ng mga europeo at ng m~ga indio sa paggawa n~g ano mang
bagay. At sa lahat ng ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang

catutubong isip n~g europeo at n~g indio.
"Ang unang pinacabúnga ng napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac
ni Rizal, na cung mapag-unawa sana ng canyang mga cababayan, na
cawangis ng canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan,
ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong ng
mga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa
pag-aaral ng m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng mga
castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi
n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ.
Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay
na lahát sa wicang castila, catutubong wica ng mga castila, at wicang
hindi namin kilalá; cayâ nga't dahil dito'y kinakailangan naming
magpumilit ng higuit cay sa canilá sa pagpiga ng pag-iísip, upang
maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga ng
sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man ng mga
castilà at n~g m~ga indio sa mga colegio, at yamang gayo'y matáas ang
pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng guinawa, na
sa canyá'y nagdagdag ng pag-aalinlangan sa dating tagláy na niyá,
tungcol sa cataasan ng pag-iísip n~g mga castila. Guinawâ niya ang
pagmamasíd, tungcol sa inaacála ng mga castilang silá'y may carapatán
sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba ng mga indio,
sapagca't naniniwála ang mga itóng ang mga mapuputì, dahil lamang sa
sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong magalíng
cay sa lúpa ng m~ga indio. Napagtanto ng panahóng iyón ni Rizal, na
ang paggalang at pagpapacumbabang iyón ng m~ga indio_ sa
castila--sa pagca't siyang itinuro ng m~ga castila
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 60
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.